Feed on
Posts
Comments

Birthday candles lang yan!

Bothered ako lately (as usual).
Hindi ko alam kung natatae ako or naiihi. I can’t even tell if i have to dump my thoughts of finding a male partner or patulan na lang ang mga stalkers kong bahog bilat. Hindi ko rin alam kung gusto kong kumain o hindi, matulog or gumala. I dunno whether to live or to die.

The last time I had this feeling was around a year ago.
Now, heto na naman sya. Parang cancer sa vas deferens na unti-unti kumakain sa aking daanan ng semilya. Nakakawalang gana. Nakakawalang libog. He he he :lol:

Pero ang totoo nyan, para lamang syang langaw na pwedeng paluin ng sandok anytime na bumabalik. Pero takot pa rin at pangamba ang aking nararamdaman.

Madadagdagan na naman ang edad ko in a week time. Siguro isa ito sa mga dahilan ng aking mga nararamdaman lately. Hina-hunting na naman ako ng gerontophobia. Takot na tanging kamatayan lamang ang makakagamot. Kelangan ko ang tapang ni LapuLapu upang malabanan ang phobiang ito dahil ayoko pang mamatay. I still have to reach my dreams and reap the fruits of my labor.

When I reached 20, I had laid down a long term plan and ambition, a checklist na syang magiging gabay sa aking pagtanda. :lol: Yung tipong at age 21, I should have my own wheels, at 22 a half million peso savings! Pero kahit gulong man lang at pisong savings haaayyy ewan! Wala pa yata sa 10% ng goal ko ang aking na meet! But I guess hindi naman talaga sya feasible. Kaya naman this year I intentionally, internationally at personally rebuke the previous goals and face a new one further. Pero I will not disclose it in public. Keep ko na lang sa self ko para masaya! :lol: hahahah

Sa mga maagang bumati sa friendster, thank you very much. Thanks to Ate Honey for the gift too. ;) Sa mga may balak pang magbigay, salamat in advance pero practical po akong tao. Hindi lang po cards at greetings ang tinatanggap ko. Pwede rin po bigas yung isang sako! hehehehe :lol:

Hanggang sa muli :D

 

ni hao ma!

Ni Hao tanga

My colleagues were busy eating while talking to an american albino. They were actually busy introducing the strange food served on the table. The american was fascinated by the presentation of the food especially our very own kare-kare who didn’t even have an american contemporary. So the topic went to lenggua who is Spanish and later to Japanese.

Someone stupid overheard the word Japanese and butt in during the conversation with uber confidence, assuming he had a good command of the language.

“Did i heard Japanese? I can relate to that, Ni Hao Ma”

And they all lose their appetite!

Frank-ly speaking

The first time I had my fair share of what they called typhoon in this tropical side of the planet was two years ago. It was when typhoon Milenyo with international codename Typhoon Xangsane hit Metro Manila on the eve of September 25, 2006.

Born and raised from the tranquility of tropical forest and the paradise-like climate of Western Mindanao, it was a definitely charged to experience for me as I face the wrath of the ever furious typhoon. Inasmuch as I would like to stay home and sleep, work had been too cruel for me. We had been following United States timeline and business hours thus regardless of local calamity, we are expected to work. BUt whenever US have Holidays and their offices won’t transact business, we are still obliged to work. Unfair isn’t it? Pesteng yawa!

Summer had never been this hot lately. A manifestation of the worldwide global warming, maybe. For 2008, we had experience an extended summer all the way till June. But sadly, my prayers for a cold dark night with splashes of water was welcomed with a bang. I mean Frank.

SO here he is finally.

Killing at least 20 people, flooding 8 provinces, sinked a ferry, and had caused the evacuation of more or less 300,000 people due to flash floods and landslides, cancelled 90 flights to and from 12 cities in the central Philippines and almost killed the Geisha by a flying saucer!

Bwisit! I really hate going out when it rain!

Hello sa lahat na aking fans! :lol: (feeling artista!)
Pagpasensyahan nyo na…


Namiss ko lang kayong lahat. Pagpaumanhin nyo kung hindi ko naaprov agad iba nyong comments. Sa nakalipas na isang linggo, super busy po ang aking beauty. Yes you heard it right. Marami po akong bookings and show at take note naging suki po ako ng paliparang pandaigdig ng ninoy aquino. Kaya naman bago kayo mag isip ng kung anu-anong green jan, heto po ang gay’s eyeview ng aking series of shows.

Saturday (June 14) The Pampanga Gala

After severe and toxic brainstorming and deliberations kung saan gastusin ang aming napanalunan sa miss gay undas nung April, nakapag decide na rin ang Team na pumunta sa Pampanga upang makaiwas sa traffic at polusyon sa Maynila. This is courtesy of our teammate na may balak ng mag resign dahil pupunta na sya sa pluto. :lol: Kaya naman, kahit walang tulog ang geisha ay mababanaag sa aking matang may mota ang excitement. Una dahil first time kong lumabas with our Team at pangalawa i was expecting for boylets.. :lol:

Needless to say, super enjoy naman kami sa aming boodle (?) fight over banana leaf. Nag fishing with some minute tilapia at kumain ng burong kanin, lenggua, relyenong bangus, at marami pang iba! The experience is so nice! Pero sadly walang boylet. If not for the Mafa na ginawa naming pulutan.. :lol: Buti na lang at dinala ni Rosita ang kanyang pet na albino.. :lol:

BUt before the actual photoshoot, here is the welcome banner on the terminal of victory liner na sadya naman talagang nakakagulat!

Continue Reading »

the Singing Gay!

Its quite ovedue! I apologized, gomen nasai (nihonggo), desole (french), schade (german), arrependido (portuguese), and lamentable (spanish)!

But this post is not about some stupid foreign language lessons from this stupid Geisha! This is about music, titles and singerS!

But i knew it won’t be too late to post this ever difficult tag i received from my online ka-inuman!

In fairness, nosebleed talaga ako sa tag na ito! Dumudugo tenga ko sa kapapakinig ng mga musika na nababagay sa mga tanong! Beer-O deserves a slap for this and a kiss of course! :lol:

Here’s the rule: Answer the questions with song titles (your fave songs or songs that you like to play most of the times). No side comments please. Let the song titles explain your answer.

The questions and my answers:
1.) How am I feeling today?
Dazed and Confused by Led Zeppelin 

2.) Where/when will I get married?
Bad Side of the Moon by Elton JOhn

3.) What is my best friend’s theme song?
Didn’t We Almost Have It All by Whitney Houston

4.) What is/was highschool like?
Through The Fire by Chaka Khan

5.) What is the best thing about me?
Flexible by Depeche Mode

6.) How is today going to be?
Its a Good Day by Peggy Lee

7.) What is in store for this weekend?
We can Work it Out by The Beatles

8.) What song describes my parents?
Love of My Life by Southborder

9.) How is my life going?
From this Moment On by Shania Twain

10.) What song will they play at my funeral?
O Sole Mio and Nessun Dorma both by Lucianno Pavarotti

11.) How does the world see me?
Legend by Nelly Furtado

12.) What do my friends really think of me?
- Insatiable by Darren Hayes 

13) Do people secretly lust after me?
That’s For Sure by Jefferson Starship

14.) How can I make myself happy?
All by Myself by Celine Dion

15.) What should I do with my life?
- Go The Distance by Michael Bolton

16.) Will I ever have children?
Never Ever by All Saints

17.) What is some good advice?
Listen by Beyonce Knowles

18.) What do I think my current theme song is?
Lupang Hinirang by Julian Felipe (hahahahhaha)

19.) What does everyone else think of my current life?
Unwell by Matchbox 20

20.) What type of men/women do you like?
The Horny Song by Vanilla Ice

21.) Will you get married?
Shut Up by Simple Plan

22.) What should I do with my love life?
Get Here by Oletta Adams

23.) Where will you live?
Under The Sea from The Little MErmaid

24.) What will your dying words be?
- To All The “Boys” I’ve Loved Before by Willie Nelson

I’d also like these bloggers to do this! Tag ko ang mga kantaterong sina:

Verpo,  Tapsiboy, IfoundME and Aling Baby.

 

…on 6.6.08

My independence day was not celebrated with a 21 gun salute, flag at half mast and a party at Manila Hotel with foreign diplomats attending. Instead, it was unexpectedly* celebrated with an after-shift beer session, sunshine on top of the guestlist and was attended by the certified PinayPsycho, the ever supportive Mareng CLio (click here to read similar post) at isang taong pangalanan nating The Legend**. Kung bakit Legend ay inyong malalaman sa takdang panahon (chozzz). Or kung hindi ka makapaghintay, buksan ang bibliya at tingnan sa Genesis 45:12. :lol:

*Unexpected talaga. Afterall, hindi naman nila alam na may okasyon! hahahaha :lol:

Ang daming napag-usapan over two buckets of SanMig at sa tokwa’t baboy na inorder ni Psycho. Matagal din kaming naghintay ni Mareng Clio sa bruha only to find out na mag coke zero lang pala sya! Had i known na hindi sya umiinom sana pa beergen effect na lang din ako.

Iba nga talaga pag ang mga kasama mo ay mga impertinente este intilehente pala. Kahit langaw pwede gawan ng isang nakakaiyak na kwento. Pero minsan nasusukat ang katangian at kakayahan ng isang tao lalo na pag nasipa ni Roel este ng Beer pala!

**It’s been a while na nakatago sa ‘king subconscious ang kanyang pangalan . Dati kasi, naging member ako ng isang online group na aking tinatakbuhan pag lahat ng boylet sa bukid ay abala sa pag-aararo, pag-iigib ng tubig at pagsisibak ng kahoy (lols). Sa loob ng halos isang taon na naging silent member ako (dahil sa wala akong contribution at nagbubukas lang ako ng contribution ng iba), nagkaroon ako ng tapang na harapin ang aking pagiging Geisha ng walang takot at kiber sa mundo! (may ganun?). May mangilan-ngilan din akong nakilalang mga respetadong tao sa komunidad na member din ng grupong iyon. Subalit dumating ang time na plano kong mag madre kaya ako nag unsubscribe sa grupo. Matagal na rin yun. Halos apat or limang taon na ang nakalipas. At heto’t kaharap ko pala ang taong later on ay ituturing kong legend. Ang taong sya palang founder ng isang nationwide at worldwide na group. Ang taong kayang pagalawin ang mundo at palihisin ito sa kanyang axis! A person who can definitely defy gravity! At isa ako sa mapalad na Geishang nakipagkamay sa Legend na ito! Thanks for the coke zero na nakakalasing! :lol:

Alas tres na ng hapon ng ako’y nakahiga sa aking casket. Maghahanda na sana ng panibagong lakas dahil papalubog na ang araw at kelangan ng sumipsip ng dugo pero hindi na ako nakatulog. Pumasok ako sa opis na bangag at nahihilo pa. Kahit wala sa tamang katinuan (na naman?), compose pa rin ang Geisha! Business as usual.

…on rudy fernandez

Pauwi na at nasa loob ako ng kwartong gumagalaw nung nalaman ko ang masamang balita tungkol kay Daboy. Isang malaking baluga slash pangit slash chismosang katrabaho ko ang pumasok mula sa 3rd floor at nagkalat ng balita ng hindi naman tinatanong. Tiningnan ko sya sa salamin na door ng elevator, nagbabakasakali akong si cristy fermin ang hayup pero mali ako. Somehow, thankful ako’t nalaman ko ang latest headline about showbiznez mula sa kanyang bibig.

Masyadong exaggerated ang reactions ng mga tao sa elevator sa balita ng pangit. Aminado akong malungkot na balita iyon pero ang mag react na parang Lorna Tolentino ay hindi katanggap-tanggap. Lahat yata ng reactions mula sa bibig ng mga kasabayan ko ay may iisang pahiwatig. Feeling close sila sa namatay!

At dahil nasa likod ako, dali-dali akong tumakbo pagbukas nung elevator sa ground floor para tingnan ang kanilang mga mukha at hindi ako nagkamali sa nakita.

Tama! May karapatan silang sabihin yun. Sorry if i’m bad pero parang dalawa dun ay labandera nila at yung iba’y…. (ayokong magsalita!)

Ako kaya pag namatay? Ano kaya reaction ng mga ‘to?
I bet! MAtutuwa silang lahat! :lol:

Time travels so fast.

I have a hard time absorbing all the heterogeneous emotions and feelings right now.

Exactly two years ago, I embarked on a journey that has been a milestone for humankind. It’s history in the making for me, being the first Geisha to set foot on the Sun. Chozzz! (masyadong eksaj).

After sleepless nights of contemplation, weighing the pros and cons, and grasp the message of excitement and independence, I finally decided to open up the thought that’s been bothering me to my parents.

Geisha: Ma, i’ll leave tonight for Manila.
Mom: What? Are you crazy?
Geisha: Partly, Yes!
Mom: Ano gagawin mo dun?
Geisha: Hahanapin ko ang tunay kong mga magulang! sabay iyak ala Judy Ann
Mom: Tumigil kang bakla ka! Sagutin mo ko!
Geisha: Work. I’m gonna find myself there baka sakaling mahanap ko. Heehhehe
Mom: Manlalalaki ka lang dun!
Geisha: If I’ll do that, bakit dun pa? Marami namang titi dito! Limang piso isang tumpok! Cge nga!
Mom: No way! Hindi kita bibigyan ng pamasahe!
Geisha: Goodluck! May ticket na ‘ko!
Mom: Talk to your dad.

Sa haba-haba man ng prosisyon sa pier din ako natuloy! Via Cebu ang ticket ko para makagala naman kahit papano. Walang malinamnam na tanawin sa barko! Lahat ng pasahero at crew mga dugyot! Pero keri lang dahil sa next trip na lang ako rarampa!

Gustuhin ko mang magliwaliw sa Cebu, pumigil sa akin ang aking kaartehang mabilad sa araw at mapuno ng alikabok ang aking ilong kaya as early as 8AM nasa loob na ako ng ship bound for Manila. Departure time is 8PM kaya mahaba-haba ang oras ko para mag charge for the nights rampa!

Maraming magagandang tanawin sa loob. At marami-rami ring mga lugar ng kalaswaan. Pinasukan ko ang lahat pati cabin ng mga marino. lols. Yung sinehan, disco, coffee shop, videoke bar, chapel at pool area para malibang.

Pero front ko lang yun as usual. Hindi pa rin maalis ang isip ko sa mga taong pilit kong iniwan sa paghahanap ng lalaki kapalaran. Sa parents kong hindi matanggap ang aking pag-alis dahil mawawalan sila ng unico hijo sa bahay. Sa mga staff at katrabaho ko sa university publication for leaving them hanging with what’s not and what to. At higit sa lahat sa mga kapatid kong bilat dahil mawawalan sila ng protective na kuya slash ate at wala na ring mag-aayus sa kanilang buhok at mukha.

Sa bawat birit ko ng “i will survive” sa videoke bar ng barko, pinagdadasal ko rin na sana ay malampasan ko rin ang anumang hamon at pagsubok na naghihintay sa akin sa pupuntahan ko. Malayo pa rin ang tingin ko na kahit screen ng jukebox ang nasa harap ko ay tila wala dun ang isip. Patuloy lang ako sa pagkanta. Sa paglilibang sa sarili at ang mga nakakabinging palakpakan slash insulto ng mga hunghang na wala sa tono ang tanging nagpapabalik sa akin sa tamang katinuan.

Dalawang taon na ang lumipas.

Ang dami kong na miss sa family ko. Ang kulitan naming magkakapatid at ang amoy ng hanging probinsya na malayo sa polusyon at ingay ng mga rumaragasang bus! Meron man akong pinagsisihan sa aking paglisan (?) yun ay dahil wala ako sa aniversario de muerte ng kapatid ko. Wala ako nung naglandi ang kapatid ko. I should’ve slapped her and subsob her sa canal with his boypren when i learned that she’s pregnant but i was not there to do that. Magkakalitid man ako sa pagmumura ko sa kanya sa fon wa epek pa ri yun. Wala ako nung nagkaroon ako ng pamangkin. At wala ako nung kelangan nila ang gabay ng isang kapatid, kaibigan, kamag-anak, kapamilya, kapuso, kalabaw, kamias, kamatis, kamagong, kabaong, katol….

Pero kinaya ko ang lahat. Psychologically tortured man ako sa twing tatawag sila’t may problemang naka insert sa bawat “kumusta” at “ingat ka”, kinaya ko pa rin ang lahat kaya’t tumagal ako ng ganito. Naranasan kong mamuhay kasama ang mga taong hindi ko kilala at mga taong itinuring akong kaibigan at kapamilya. Naranasan kong magutom, mabusog, mapuyat at mapagod pero hindi ako sumusuko sa laban na pinili ko (nganong mi enter).

For two years natuto akong umibig, umasa at mabigo. Tumayo sa sarili kong mga paa at kamay. I’ve learned to be independent in its truest sense and reap the fruits of it. And these are the experiences that I can make my momma proud. The experiences which I’m sure wala pa sa kalingkingan sa pwede ko pang maranasan while I stayed here.

And for two years, I can say that I’ve survived the toughest battle of existence every living thing had been trying to achieve. The survival of the fittest in this jungle called Manila.

At sa aking pag-uwi (hopefully soon) ako’y nagbabalik tanaw sa huli naming pag-uusap ni mama.

Mom: Manlalalaki ka lang dun!
Geisha: Hindi lang po ako nanlalalaki, nambababae din po!

Yuckkkkk.. ewwwwwwwww!

Dine in or to go?

I was so tipsy and exhausted from work today. But because of some inevitable engagements, i have to keep my eyes open my feet strong to withstand antok at pagod. Para na rin hindi ako magmukhang sinungaling.

Kaya naman, kahit kararating ko lang sa bahay at wala pang kain, nag-abang na agad ako ng taxi kasama ang chakang si Mj para ma dispose ko na sya sa airport papuntang Japan! Halos isang oras din kaming nag-abang ng taxi sa kahabaan ng kalayaan avenue bago kami nakasakay. Dagdag pagod point for me na naging muchacho slash muchacha ng bruha!

Kulang na lang paliparin namin ang taxi sa flyover ng EDSA (na tinawag nyang overpass) para makahabol sa flight nya. 9:45 boarding time na dapat, buti na lang pinapasok pa sya ng gwardya! Pinapasok ko kaagad ang bruha sa airport at hinayaang maligaw para maiwan ng eroplano. (hehehe am bad!)

Nakahinga na rin ako ng maluwag.

At dahil sa sobrang kakuriputan, minabuti ko ng mag bus galing airport pauwi. Sa sobrang antok, hindi ko na napansin ang labas masok na mga tao sa bus papuntang cubao. Hindi ko na rin alam kung naglalaway ako or humihilik sa sobrang pagod. Sa awa ng diyos hindi ako lumagpas sa tulay!

Pagbaba ko ng bus, una ko inisip ang aking naghihimagsik na bulate sa tyan dahil sa matinding gutom! It was like africa in the making with my stomach starving plus the scorching heat of the sun and the pungent smells of kilikili ng mga timawa all over (lol)! Tinungo ko agad ang isang fastfood resto para omorder ng makakain. Subalit dahil sa hiya, tinike-out ko na lang!

Crew: Sir what’s your order?
GEisha: Burger Mcdo meal, ice tea and Go for large.
Crew: (naguguluhan at tipong nabingi sa narinig nya) ahhh ano po ulit Sir?
Geisha: (bingi ka ba or tanga?) Burger Mcdo meal, ice tea and Go for large.
Crew: Sir dun po sa kabila ang Mcdo. Jolibee po ito!

Para akong binuhusan ng arinolang puno ng ihi kinagabihan! Hiyang-hiya ako sa gwapo na crew!
Buti na lang natakpan ng shades ang aking mukha!

Pero aaminin ko! Gusto ko talaga sa Mcdo pero sa sobrang antok hindi ko alam na Jolibee pala napasukan ko! (los palusot!)

Kaya naman, isang malutong na “take out” with matching P.I. ang sinabi ko sa crew nung tinanong nya ko:

Maam, dine in or take out?

Now this is what others coined as severe vaginismus!

Severe to the highest level! Severe to death!http://www.ndesign-studio.com

Nagsimula ito sa tema namin ni mareng Clio na “wakasan ng buhay”. A stage in life where heartaches are better forgotten over some buckets of beer. Una sa kumare ko. Pangalawa naman sa kapatid ko sa hanapbuhay na si Rosita. After shift, tagay, tulog, papasok, toz tagay ulit! Sleep lang ng dalawang oras solb na! This is perhaps the most effective euthansia in its most implied sense! Condolence to myself! Geisha Diaries will soon be an Obituary page!

May shift bid na naman ang team ng mga fiber glass at kung anu-ano pang metal sa mundo! At sa awa ng dyosa ng kagandahan, nasa priority ten something ako. Masamang pangitain sa tulad kong buhay reyna. Ibig sabihin lang nyan na hindi perfect ang attendance ko since last kaming nag shift bid. Ibig sabihin marami akong absent o di kaya’y lates! Aminado ako dun! Kivs lang ako! Pero pag inagaw ang sked ko makakapatay talaga ako ng tao! :lol:

For almost a year and a half now, hindi pa rin nagbabago ang day off ko. Martes at Myerkules pa rin! Walang buhay pag gabi! Tulog ang mga boys dahil may pasok kinabukasan. Sarado ang ilang bars dahil wala nga namang gumagala ng ganung araw! Hindi pwedeng magyaya ng friends dahil may mga work kinabukasan. Naisip ko nga kung karma na ba ang tawag nito!

Dati kasi, regular na araw ang off ko. During days off, nasa Palawan ako lagi. Nagpapalamig, nag-eenjoy, umiinom kasama ang mga friends at boylets. In short, may social life pa rin kahit papano.

Hindi na ngayon! Abnormal na lahat sa akin. Tama nga sila. Nakakasira ang trabahong ito sa social at sex life ng tao!

But who cares! I don’t need going out with friends to mingle with other people. Blogging itself is a form of socialization :) And sex? Duhhhh.. Call me ipokrita pero sawa na ako sa ganyan! Ikaw ba naman magsimulang maglandi at five years old hindi ka kaya magsawa? :lol: Joke!

diva’s medley…

palitan nyo na lang ang title..heheheh :lol:

Update:

IN response to my previous post about Trans being banned at Greenbelt, the management of Ayala Malls particularly the parties concerned had promised to give us a positive feedback on the issue. Kudos goes to Ms. Sass from STRAP, Ms. Castro ( Ice Vodka Manager) and Clio for the update.

The management (Ayala Corp) insists that their malls are “discrimination free”. Somehow they managed to make a better resolution or should I say a better excuse for their misdeeds. They have been putting the blame on prostitutes roaming around their premises. But note that being a geisha of different shade is not synonymous to prostitution. While it is true that not all birds are of the same color, prostitution is nevertheless an act condemnable and punishable by law. A thing that had always been regarded as immoral (wat is moral by the way?..lol) since time immemorial.

But anyway, the story will soon die a natural and a triumphant death. History in the making indeed!

Click here to read the turn of events.

Now back to our regular programming.

Natapos na naman ang aking day off (parang muchacha lang) ng walang katuturan! When i started working in this industry, halos nawalan na ako ng time para ma explore and aking paligid, kapaligiran at palibot. Pareho lang po yan lahat.. heheh! If not sleeping, nanonood lang ako ng DVD or listening to my fave Lani Misalucha’s ancient Live Crossover concert album. Halos lahat yata ng songs dun kabisado ko na! Pati hinga nya at birit memorized ko na!

When all else failed to comfort me on my most boring and depressing moments (emo?), a text from an unsolicited sender came.

SMS: O genki desu ka? (musta ka?)
pucha japanese! kunti lang alam kong rebuttals nito
Geisha: watashiwa genki desu. (ayus lang ikaw?)
SMS: san ka?
Geisha: pakialam mo? modo ochi (nasa bahay) sa CR. nagfifinger! daijobo desu (ok ba?)
SMS: pootah ka! lika sa bahay magbadminton tayo!
Geisha: mas pokpok ka! tantanan mo ko ng nihonggo mo! papatulan talaga kita!
SMS: cge na bakla.
GEisha: huh? ayoko ang layo! dalawang sakay pa from here yokong mag commute.
SMS: mag taxi ka na lang.
Geisha: cge jan ko na lang babayaran pagdating sa bahay nyo.
SMS: wag na! jan ka na lang!
GEisha: pagod ako. gusto kong magpahinga!
SMS: sayang. may ipapakilala pa naman sana akong lalaki. yung nakita natin sa market-market na gwapo kapitbahay pala namin!
Geisha: cge anjan nko!

Biglang nawala ang pagod ko kaya go agad ako sa Taguig kahit two rides galing sa bahay. It’s raining cats and dogs that unholy hour yet di ko pa rin mapigil ang naglalaro sa isip ko (kalanding bata!) :) At dahil sa sobrang lakas ng ulan, hindi ko namalayang lumagpas na pala ako ng halos isang kilometro sa dapat babaan ko. Kaya walkathon ang drama ko. Kunyari relax lang while walking. Naghahanap ako ng latang pwedeng sipain pero wala akong makita! Kaya text na naman ang drama ko sa pokpok na nihonggo!

Continue Reading »

Older Posts »